Sunday, January 25, 2009

saktong pagninilay lang ngayong bagong taon tungkol sa ating mga pilipino...

wow,,, it's been ages since i last posted here...

so what's the news guys?

how was your new year celebration?..

mine was good, except for those noisy neighbors of ours who did nothing but throw firecrackers across the street!

it's just the start of the year, so why don't i just type in Tagalog for a change?....

ok. good enough.

lately, kakabasa ko lang ng stainless longganisa, by the great, legendary, almighty, genius, and abnormal Bob Ong. *peace tayo bob ong, please, wag mong susunugin ang tirahan namin! kaso hindi mo naman ata alam na dito lang kami sa san roque, marikina city nakatira! haha! kala mo ha!*

anyway, enough with the jokes...

ayun, nakakatuwa yung mga libro niya, kasi alam mong hindi niya lang to ginawa para magpatawa lang at gawin kang mukhang sabogaloids at abormalites sa kakatawa mo mag-isa sa FX o jeepney, na sa kasamaang palad ay nangyari naman sa akin. nagmukha akong bagong laya ng gotham asylum dati nang magtatawa ako sa FX habang binabasa yung Ang Paboritong Libro Ni Hudas. May isa pa kong sugar-sweet moment nung nasa jeep naman ako at nagkandasinuk-sinok ako nang basahin ko yung Alamat Ng Gubat, siyempre, sa KATATAWA DIN!. Anak naman kasi ng tinapang pinrito! Nakakadiri si Aso! biruin mo, susuka siya, tapos kakainin niya ulit yung suka niya, habang "pinipilit magmukhang kagalang-galang? HAHAHA!!! nakakadiri talaga! Ang galing mo Bob Ong! Idol!

back to stainless longganisa...

ang galing ng book niya na to kasi dito niya pinakita yung isang side ng buhay niya kung saan natin siya lahat nakilala (at sinamba) -- ang kanyang pagsusulat. dito niya tinukoy at ikinwento ang mga bagay na sumasagi sa kanyang isipan kapag nagsusulat, yung mga trip niya kapag nagsusulat, yung mga impluwensiya at 'inspiration' niya sa pagsusulat, yung pananaw niya sa bansa natin, at yung mga payo niya para sa mga mambabasa ng mga libro niya, at pati na rin pala yung malakontrabida ng telenovela niyang pagkamuhi sa mga taong binabasa lang ang libro niya sa bookstore, pero di naman binibili.

ang daming bagay ang matututunan mo pag nabasa mo ang stainless longganisa. yung mga paghihirap niyang dinanas bilang isang writer kung paano ba niya matatapos yung una niyang libro. sabi niya kasi sa libro, na ang nagtulak sa kanya para magsimulang magsulat ay yung mga tagasubaybay niya sa dati niyang website, yung BobongPinoy.com (na sa kasamaang palad, ay wala na ngayon, kasabay ng pagbaba ni Erap sa Malacanang. hindi ko man lang naabutan yung website niya, BADTREP!). pero ayun nga, nung magawa niya yung una niyang libro e naging mga kwentong chalk ito at hindi kwentong barbero, na laman daw ng website niya dati (di ko talaga sure, dahil di ko nga inabot ung website). kaya naman nagawa niya yung pangalawa niyang libro, na puro 'kwentong barbero' na medyo malalim ang pagkasatirical sa takbo ng pamahalaan natin at pati na rin ng society natin na proud to be "THIRD-WORLD COUNTRY". oo, masakit ngang isipin na bulok ang sistema natin sa bansa. sabi niya sa stainless longganisa, na sori daw kung marami ang hindi natuwa o natawa (spot the diff.) sa 2nd book niya, na maraming patama sa maling pagpapatakbo ng mga tao sa pamahalaan sa ating mga "bobong pilipino". WHICH IS SO TRUE. kasi di naman daw puro pagpapatawa ang pakay niya bilang writer, dahil kung ganun lang din naman daw, e sana pinuno na lang daw niya ng picture niya yung mga gawa niyang libro.
naniniwala ako sa paniniwala niyang yun, dahil kahit ganun na puro kagaguhan at katarantaduhan lang ang laman ng mga libro niya, e dito naman sumasalamin ang mga paniniwala, napagdaana sa buhay, at mga "dilemma" ng isang bobong pilipino, tulad niya, tulad mo, tulad ko, tulad nating lahat. marahil kung pilipino ka at binabasa mo to ngayon at di mo pa nababasa ang mga libro ni bob ong (kawawa ka naman, you poor thing), e nao-offend ka na sa paulit-ulit kong pagbanggit ng bobong pilipino, bobong pilipino, bobong pilipino, bobong pilipino, kung saan kasama ako sa tinutukoy ko. wag kang mag-alala, dahil hindi ako nakatira ng ipinagbabawal na gamot, medyas lang na nilublob sa kumukulong suka na merong lamang loob ng paniki mula sa laboratoryo ni mojo-jojo. hindi, may dahilan kung bakit bobong pilipino, bobong pilipino, bobong pilipino, bobong pilipino (pasensya na talaga kung paulit-ulit).

ganito na lang, para madaling unawain, ipapakita ko sayo ang isang magandang example ni bob ong sa libro niya.

*baka di pa sapat na nabanggit ko sa itaas na galing kay bob ong ang mga susunod na itatype ko kaya ginagawa ko na tong disclaimer, baka kasi ma-paraphrased plagiarism pa ako eh. nilagay ko pa naman sa itaas kanina ang address namin.*

yung isang episode ng amazing race sa africa, may isang amerikano ang nagmamadali kaya mayabang nitong tinanong ang native pulisman ng "DO YOU SPEAK ENGLISH?" na mabilis namang binara ng aprikano ng "YES! DO YOU SPEAK SWAHILI?" BOOM. pahiya ang maangas na amerikano.

nang minsan naman sa pilipinas na ung amerikanong nabanggit sa itaas. syempre amazing race pa rin ang show. nagmamadali na naman yung pinutukang amerikano kaya pinabilisan sa pinoy taxi driver ang taxi driving. aba, sabay sagot naman ng lokong pilipino ng, "Over 100 kph is prohibited here-- so we'll break the law!" BOOM. pahiya ako.

pusang gala talaga, kala ko pa naman moment na nating mga pinoy sa episode na yun para magtriumph at ipahiya ang maangas na kano, kaso baliktad ang kinalabasan, tayo ang napahiya ni manong taxi driver.

sabi nga ni bob ong sa kanyang opinion, bakit yung mga african daw malinaw na ipinamumukha sa foreigners na sa bansa nila, mga AFRICANS lang ang bida! pagdating sa lagay nating mga pilipino, tayo na ang may ari ng lupa, tayo pa rin ang tinatapakan ng mga taga-ibang bansa.

bakit nga ba ganoon?


kasi nga....


baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino.

napakalinaw ng mensahe ng idolo kong writer sa kanyang munting puting libro na gumising sa aking munting puting buhok sa ilong, este, munting puting interes pala sa sistema ng ating bansa. sistemang bulok. bulok na society, bulok na mga batas, bulok na prinsipyo, bulok na pulisya, bulok na edukasyon, bulok na gobyerno, bulok talaga lahat - maski ikaw at ako, tayo.
pero tulad nga ng mga nasabi ko, ang kagandahan kasi ng bulok - eh pwede itong itapon at palitang ng bago. palitan ng mas bago, mas sariwa at mas malinamnam. di ba pag naririnig mo ang salitang sariwa at malinamnam, e nakakaengganyong kumain? sana ganoon din sa bansa natin, mapalitan lahat ng bago, para mas nakakaganang tumira dito.


Ang Paboritong Libro Ni Randell. Bow.

No comments:

Post a Comment