Monday, May 4, 2009

They say the Devil's water it ain't so sweet. You don't have to drink right now.

bakit kaya parte ng pagtanda ang magkamali sa buhay?

palagi na lang sinasabi na bago magmature ang tao, kelangan niya munang matuto sa pagkakamali niya. ang weird... pero siguro ganun lang talaga ang buhay. ginawa tayo ng Diyos na hindi perpekto, para hindi natin makalimutan na tao lang tayo, at hindi na tayo maaring humigit pa doon. ang paghahangad ng sobra pa doon, yun na siguro ang nagdidikta kung tama pa ang ginagawa natin. ang maghangad nag naman ng sobra ay kasalanan na agad at wala na sa tama.

maraming beses nga nangyayari sa buhay ng tao yung ganun e, yun bang tipong maghanap pa ng sobra pa sa kung anung meron siya. at diyan nga talaga nagsisimula ang kasalanan. natural na sigurong ikinikilos ng tao yun, sa kahit saang lugar, o kahit anong oras o panahon, o maski na lahi pa ang pag-usapan. kasi kung titignan mo, yung simpleng humirit ka ng 123 sa jeepney, pangkaraniwan na yan lalo na kung ikaw yung tipo na sobrang tipid to the point na minsan wala na sa katarungan. (haha) pangkaraniwan na actually yung 123 sa mga tao, pero kung iisipin mo kawawa din yung mga drayber ano? binibili nila yung gas nila tapos di binabayaran. (haha) aba para kang nagpakain ng goto nun tapos aalis lang bigla yung customer mo pagkaubos ng isang mangkok. badtrip nga. (haha) ang simple simpleng mga bagay na taken for granted sa buhay, pero di natin alam nagkakasala na tayo. (haha) ika nga ng matatanda, natural lang daw yun, parte nga naman daw ng pagiging praktikal sa buhay. "ang matutong manggulang paminsan-minsan". waw. binibigyang katarungan ang isang pagkakasala. (haha) ganyan talaga ang tao, natural ang magkasala. pwede mo nga ring sabihin na hindi ka tao kapag hindi ka nagkakasala ng at least 20 times a day e. (syempre nacurious ka na ngagyon at bibilangin mo na kung ilan ba nagin kasalanan mo mula pa kaninang pagkagising mo). e ano ang magagawa mo, ganito talaga tayo. importante din minsan yung nagkakamali tayo, kahit paminsan-minsan lang, syempre sana wag naman nating i-promote yung ganun. kasi pag nagkakamali tayo, naaalala natin na mayroong mas makapangyarihan sa itaas nating lahat, at hindi tayong tao ang naghahari dito sa mundo.

hindi natin alam, pero nandyan lang palagi sa paligid si Diablo. syempre sana naman wag niyong makita yung SIYA MISMO. wag ganun. wag ganun. bad yun. pag nakikita mo siya ng literal e wag ka nang magbasa ng blog na to. baka mamaya katabi mo lang siya, puntahan pa niya bahay ng nagtype nito. (haha) malalaman mo namang naandyan siya palagi e, lalung lalo na kapag gusto mong mag123 sa jeepney. e kapag alam mong andyan siya sa paligid, wag mo na lang pansinin. makita mo, yung dapat na gagawa ka ng mali, pwede mo pang iwasan. basta, pag naririnig mo bulong niya, takpan mo na lang tenga mo. iba pakinggan mo. si teacher, or si boss, or kung pwede sige kahit sermon na ng nanay at tatay mo. actually pointless pakinggan sermon ni mommy, kasi kapag nasermonan ka na, ibig sabihin bago ka pa mapagalitan narinig mo na bulong niya. (haha)

ayun lang naman. ewan ko kung cohesive o coherent ang message nitong blog na to. basta kasi napaisip lang ako sa ibig sabihin ng title ng post na to. lyrics kasi yan ng kanta ng THE KILLERS. ang pamagat ng kantang to na super ganda ganda talaga ay WHEN YOU WERE YOUNG. isang kanta na ang tanging mensaheng hatid lang sa ating mga tenga ay ang magkasala ay isang parte ng buhay na kailangang mangyari para matuto tayong maging mas malakas at matibay ang loob. na kapag nangyari na ay aasa na lang ulit tayo kay Jesus para iligtas tayo. hmmm... dapat mon pakinggan ang kantang to. o sige, punta na ng imeem. bago ka pa ulit magkasala diyan. nararamdaman ko na, mumurahin mo na ang nagtype ng post na to. sige lang......



They say the Devil's water it ain't so sweet. You don't have to drink right now.
But you can dip your feet, every once in a little while.

http://www.imeem.com/people/HoyzNd/music/SFYzAvDn/the-killers-when-you-were-young-acoustic/

Friday, May 1, 2009

MGa pagMuMuni-Muni ng isaNg Call Center AgeNt....

hello guys, ang tagal kong nawala.

kasalukuyan akong nasa work. ito, 1 and 1/2 hours pa bago matapos ang work. medyo naiinip na ako dito sa office. konti lang ang calls ngayon. lately nasanay na akong rumoronda-ronda sa floor kapag avail ako dito sa floor, which sa kasamaang palad ay may isang call ako na hindi ko nasagot, patay! oo, tama ka nga, CALL AVOIDANCE yun. lagot ako sa Team Manager ko, naku lagot na lagot talaga. Buti na lang e vacation leave ang karamihan sa kanila ngayun kaya sana naman ay mamiss ng Quality Monitoring yung call na yun, kasi kapag nabisto ako doon, punit talaga ako. tsk tsk... kakatapos ko lang ulit tumanggap ng tawag. ayun, ayos naman. ito ako, medyo nahihilo na. 4 kaming newbies dito sa floor. actually, 1st week ko pa lang to na Live sa floor. at ako lagi ang huling umuuwi. 7:04 AM na ngayun, onti na lang ang tawag. kaya nang avail ang 20-30 minutes. so basically baka isang tawag na lang ulit ang matanggap ko, e uuwi na rin ako. ayun yung isa kong kasama, pauwi na. kakatapos lang magcall out ng 1200 times sa customers niya para magverify ng service. hayop na mga ticket yan, pamapasakit lang ng ulo. ako currently may 3 ticket, which is sakto lang. pero putek na yan, verify service na lang may problema pa! kamote! ayun, naglog out na yung kasama ko. 2 na lang kami dito sa work station. yung isa kong kasama dito sa box, pauwi na din. 7:00 out pero nagkaroon pa siya ng buzzer beater call. yun ang mga pinakapang-asar na moment, yung tipong lalogout ka na lang ng callmaster mo, tipong out mo is 7:00, nagka-call ka 6:59:57 AM. pota talaga kapag ganun! minsan dapat magkakainan na kami ng mga kamote kong team mates sa carinderia, dati pa yun, sa luma kong account, ayun sabay sabay kaming maga-out, anak ng tinapa nagka-call ako! ayun, naiwan ako, ang malupit pa doon, Supervisor call nauwi yung pinutukan na customer na yun, ung 8:00 AM na out ko, naging 8:43 AM. pukinang inang yan, naprito na ulo ko, hindi pa nakasama sa kainan.! pagkatapos ko dun sa "THE BEST CALL" na yun, nakasalubong ko na sa elevator yung mga team mates ko, lahat sila busog na. ako kulot noo. haha. pero ok lang yun, isa lang talaga yun sa mga dillema ng pagiging isang call center agent. masaya, pero nakakainis. madali, pero nakakapagod.

isa sa mga malulupit na experience kapag call center agent ka e yung kapag queueing. oo queueing, medyo masakit sa mata ang spelling, pero ganyan talaga. Ang queueing ay yung kapag high call volume kayo sa floor at mas marami pa ang tumatawag kesa sa dami ng mga agent. in short, walang available na agent, at madami ang customer na nakahold sa line, at dahil lahat ng mga pinagpalang agent sa floor ay naka-auto in, pasok lang ng pasok ang mga tawag. pagtanggap mo ng tawag, resolve, baba ng phone si customer, pasok ang panibagong tawag! cool! exciting! it's just so GOOD kapag queueing!!! at sa sobrang sarap ng feeling ng walang patumanggang ngaragan ng panga at pagputok ng buchi mo sa mga frustrated na customer, e literally para ka nang letsugas pagkatapos ng work. letsugas, kasi bagsak na mga mata mo, tulala habang naglalakad pauwi, hukot ang balikat sa walang patumanggang pagtatype, bagsak ang panga sa walang humpay na pagsabi ng "may i put you on hold while i further research on our resources about this issue", at nasa state of euphoria ka na dahil sa taas ng stress na nag-accumulate dahil sa mga irate callers mo, na kapag binasa ang stress level mo, e 10 ito sa richter scale, kung saan nagpupumiglas na ang seismograph.

Ganyan kapag queueing, HINDI NAKAKATUWA.

isa pang mga joke time sa call center ay ung phonetics.

ito ang ilan sa kanila

(take note, Amerikano ang mga kausap dito)

a for armalite
q for quiapo
p for psycho
g for jesus
r for aragorn
f for fbi
z for zohan
x for triple xxx
w for wang-wang
s for escalate
e for experimental
b for biodegradable
c for combatron
k for katipunan
h for hieroglyphics
i for indio
o for ola

*note: kung matino kang agent at mahal mo ang trabaho mo, huwag gayahin ang mga nabanggit sa itaas.